First Week Highs
June 18th, 2006 by dreololzThank God isa na akong opisyal na UP student. Officially nag-start na rin ang aking first week as a college sophomore last week. Maraming uri ng high ang na-experience ko sa linggong ito.
BRAINY HIGH: Geez. Sobrang nanenerd ako kapag MTh sched. Grabe yung urge ko para mag-aral dahil super aliw yng profs ko sa mga araw na ito, plus super luwag pa nung sched ko. I have 1 hour and 30 minute-breaks in between subjects. Woohoo. Astig si Prof. Jazmines sa Comm100. Bet niya raw gawin pangalan ng biskwit yung pangalan ko. DreO. Kalevel daw ng Oreo, Cream-O at kung anu-ano pa. May point siya dun. Basta. Super aliw sya.
Panalo rin si Ginoong Tatel sa anthro. May certain itsura siya na kinaaaliwan namin ni petot. Haha. Mukha kasi siyang espanyol of sorts. Marami rin akong cute girl classmates sa subject na ito. Haha. Exciting.
To top it all up, nariyan si Prof. Pilapil sa PolSci14. Simula pa lang, feeling ko ang galing-galing na niyang propesor. Ewan. Basta maayos lang siya at super concerned sa student. The kind of prof na may matutunan ka talaga.
Gayunpaman, hindi rin puede isnabin si Sir Teodoro. Sobrang na-iinspire ako maging journalist dahil sa kanya.
Hindi ko masyado bet ang profs ko sa Pan Pil at Env Sci. Pero 1st week pa lang naman. Baka nagpapanggap lang sila.
UN-SOSY HIGH: Yan ay dahil supahdupah cost cutting ako this week. Grabe. Tipid kung tipid. Hindi na nga ako kumain ng lunch once. At ilang araw din akong walang load. Nilakad ko rin mula OUR hanggang AS sa pagnanasang makatipid ng pamasahe. Kuripot na talaga ako from now on. Gusto ko talagang makatipid.
NICE GUY HIGH: Nagpaka-nice guy high ako sa ilang freshies this week, lalo na ang mga kabilang sa hinandle naming mga block. May mga itinanong sila sa aking places na ginawa ko naman ang lahat para ipaliwanag sa kanila. Kaya lang, hindi ako sanay na tawaging "Kuya". Hehe.
MCO HIGH!: Grabe. I love my org. Ang dami lang fun moments with my orgmates this week. Aliw yung first GA kung saan ginabi kami sa pagtatalo ukol sa Consti Amendments. Masaya din ang polar bear games with fellow MCOers. Aliw. Go MCO!
DON ROMANTIKO HIGH: Nakooh. Nagsayaw ako ng Don Romantiko sa harap ng Social Dance class para makapagpa-prerog sa naturang subject. Haha. Feeling Gerald Anderson. Pero fun naman siya. And at least may PE na ako.
BONDING HIGH: Marami rin akong nakabonding na frends this week. Nariyan si Lennen, na classmate ko sa dalawang majors (go journ!); si Petot, na kaklase ko sa tatlong freakin subjects; sina reena, harney at lucci, na grade 6 frends ko at hanggang ngayon ay frends ko pa rin; fellow yakalites na sina malik, jushua, bogs, arman, 3stamb et al; at ilang jedis na aparisyon sa buhay ko (special mention si 3rd na isinigaw ang pangalan ko sa AS walk.)
Ayun. Sa pangkalahatan, fun ang first week ko. Hopefully, gayun din ang mga susunod pang linggo. Yun lang. Paalam.