My Birthday Wish List
Kahapon sa Yakal, naikwento sa akin ni Andrew na nagsabi siya ng wish/es niya sa kanyang blog at natupad ito, lalo yung tungkol sa peanut butter. Haha. Well, napag-isip-isp ko rin na gumawa ng sarili kong bersyon ng wish list. For more lang. Tsaka para malaman niyo rin kung ano frustrations ko sa buhay ngayon. Haha.
1. Isang bottle ng Nutella. Masarap ipalaman o kaya ay papakin. (Inspired by Andrew’s peanut butter wish. Hehe.)
2. A new pair of flipflops.
3. A purple, semi-fit shirt. Sa mga lubusang nakakakilala sa akin, mapapansin niyo naman na ayoko ng maluwag na damit. Nagmumukha akong scare crow. Tsaka purple siya dahil wala pa akong anything purple sa aking wardrobe.
4. An original VCD copy ng "Kung Fu Hustle", isa sa pinakapaborito kong pelikula.
5. CD ng Rivermaya, Greatest Hits. Asa. Hehe.
6. Sandamakmak na Samba. Ung blue and gold na cover. Sarap kasi ng tsokolateng iyon.
7. Free tickets to "Superman Returns". Pls? Hehe.
8. Anything Superman, for that matter. Kahit medyas lang.
9. DVD ng Smallville, Season 5. Summer pa lang, kating-kati na akong bilhin ito. Haha.
10. Blue Berry Cheesecake. Syet. Mouth-watering. Naalala kong bigla si Glim at ang kanyang wish sa YuPa 2005.
11. Cash. Kapal ng mukha ni dreo. Hehe.
Ayun lang siguro. Mababaw lang naman kaligayahan ko e. Kung demanding ako, e di sana Portable DVD Player or i-pod na may video na ang hiniling ko. Pero alam ko namang makakamit ko ito sa pamamagitan ng pagsali sa "Pilipinas, Game KnB?" kaya hindi ko na hiniling. Haha. Samakatuwid, kinakailangan ko nang simulang magdasal kay St. Jude para magkatotoo ang kahit isa lang sa mga wish na ito. Yge.
PS. Orgmates, June 29 ang birthday ko. 28 ang nakasulat sa ating directory. Sharing lang. Haha.