Ecstatic
For some bizaare reasons, I feel happy because of the many good things that happened this week:
-Ang saya ng PolSci14. Grabe. Pinaka-fun siya na subject. At hindi siya fun dahil walang ginagawa or dahil kwela ang subject. Fun siya dahil you get to learn and enjoy at the same time. San ka pa? At natuwa ako sa Creative Thinking Session. Go Odd Group! We got to draw first blood from the other group.
-Binilhan ako ng ham and cheese roll ni Bekbek, ang aking younger sister. Sobrang na-touch ako dahil hindi ko na nga naalaala na nagpabili ako sa kanya nun, binili pa niya ako. Syet. Ang saya ko talaga dahil sa ginawa niya. Unang-una, paborito ko yun. Pangalawa, galing ito sa pinakamamahal kong kapatid, kahit na nga ba baboy siya minsan. Haha. Joking.
-Superman Returns na next week. Im so freakin excited. Hoy Mykelolz, mag-ipon ka na dahil hindi kita maililibre. Cost cutting ako. Kaw na lang manlibre sa akin. Birthday week ko naman next week. Haha. Asa.
-Nagtagumpay ang MPRT sa katatapos lamang na sem opener ng org. Ang MPRT ay Media and Public Relations Team, ang team ko sa aking org. Kahit na nga ba nalamon ko ang pulboron, tinakbo mula Sunken hanggang Math at nawalan ng dugo sa paa dahil sa pagkakatali at naubusan ng hangin sa pag-ihip ng lobo, keri lang. Basta proud ako sa pagiging resourceful namin. Con, Patty at Ynna, "you rocks". (quoted from Tips)
-Panalo ang Welcome Rites sa Yakal kahapon. May konsepto ng hahanapin mo ang floormates mo gamit ang mga ungol, at may konsepto pa ng longest line pero pabilisan sa pagsuot ng mga damit na hinubad. Syempre pa, panalo ang teams na kinabilangan ko. Natuklasan ko rin sa pagkakataong ito na mahusay palang sumayaw si Monchi ng "Bongga Ka Day". Gayundin naman, kinantahan namin ng Goldilocks B-day Song si Malik. Belated nga pala.
-Marami na namang umaparisyon na mga kakilala, kabilang si Lucci (sa wakas), 3rd ulit, Harold at kung sinu-sino pa. Pinakamasayang aparisyon si Tim, kung saan kung anu-ano ang aming napagkwentuhan kasama si Ar-man. Salamat Ginoong Ebido.
-Kumpleto na kami sa room. Wooohooo. Salamat kay Kuya Allan. Mukha naman siyang mabait.
-Naging groupmates ko ang two of the cutest girls sa isa kong class. Pinagdasal ko na maging groupmate ko talaga yung isa sa kanila, pero dalawa ang binigay sa akin ng Diyos. Ang lakas ko pala kay God. Kelan kaya ang susunod na group work? Haha. Paksyet. Agit na ako.
-Nakatipid ako ng malaking halaga this week. Kaya nga I’m treating myself lots of hours using the net. Haha.
Yun lamang muna siguro. Sana mas masaya pa ang susunod na linggo.