Bothered
Nabobother ako sa the last few days dahil sa maraming bagay.
1. Magpapasukan na kasi ulit. Medyo hardcore na ang mga subjects ko at unti-unti nang nauubos ang GE. But then, swerte naman ako sa mga majors. Ok ang sched at profs (or so i think).
2. Hindi pa rin kasi ako enrolled up until now. Sa kabila yan ng fact na namatay na lahat ng veins ko sa paa kalalakad sa paghahanap ng subject last week. Haay. UP enrolment just sucks. Bakit ba tri-coll lang ang anak ng diyos tuwing enrolment?
3. Wala pa rin akong PE. Nagpa-enlist kasi ako sa isang PE na may tatamaan palang subject kaya nagkapenalty ako. Ang bobo ko lang. Medyo bothered din ako sa fact na sasayaw daw muna sa harap ng pipol bago makapagpa-prerog sa social dance. Geez. Lagot. Tagal ko nang hindi sumasayaw.
4. Dalawa pa lang kami sa room ng aking bagong roommate. Inabandona na yata kami nung nalalabing dalawa. Pero ok namang roommate si kuya erick. Namimigay ng hopia dice.
5. Php400 lang ang ibinigay sa aking pang-enroll ng nanay ko. Php615 ang miscellaneous fees. Kahit anong isip ko hindi kakasya. You do the math kung magkano ang kulang.
6. Nanalo si Yasmien Kurdi bilang Best New Artist sa Myx Music Awards. Kalaban niya dito ang Hale at ilan pang banda. Gusto ko sanang maniwala, pero hindi ko matanggap. Why don’t you stop? Make it last this time… In the name of love…… Paksyet. Kill me now.
7. Palagi ko siyang nakikitang kausap ang "somebody who owns her now". Iyak na dreo. Go.
8. Judge si Francis M sa Philippine Idol. Ano naman ang maitutulong niya dun? Dapat si Anton Diva na lang. Hi eli! Hehe.
9. Tapos na lahat ng paborito kong Reality Shows. Ano na’ng buhay ko ngayon? Mark Burnett and Jerry Bruckheimer, gawa na ulit ng bagong season. Bilis! Hehe.
10. Mahal ko na si Jasmine ng My Girl. Haay…
11. Very Smallville ang Captain Barbell. Ipagtimpla ng creative juices ang writers ng show na iyan. Copy cats! *spilling of red wine sa mukha included*
12. Gusto kong pumunta sa SM Mall of Asia. Pagka-recover na lang ng mga paa ko. Malaki-laki rin yun para lakarin.
13. Wala na akong pambayad sa computer kong nirerent. Next time ulit. bYe y’all!
June 12th, 2006 at 10:20 pm
hmmm talaga bang nanalo si yasmein kurdi? wala lang ako comment. alam mo ba na medyo nagugustohan ko na ang hale?
June 15th, 2006 at 5:50 pm
1.isumpa ang tri-coll na yan. porque ba sila pinakamarami?
2.ano nangyari sa social dance?
3.curious ako kung sino si somebody-owned-by-someone-else na yan.
June 21st, 2006 at 7:34 pm
~ isumpa rin ang mga nagsusumpa sa tri coll namin.
~ ewan sa social dance. line dance is better and fun-er.
~ si __________.
peace tayo clio.