The Return of the Blogger
After months of dormancy, I finally have returned. HaaAy. Marami nang nangyari since I last posted a craptastic entry on my blog. Natapos ko na ang second sem, nag-enroll na ako for summer classes, at patapos na rin ang summer classes na ito. Now that was quite a while.
So ayun na nga. I am currently taking up summer classes. CWTS 1 and 2. The first part was quite light and fun. Pachill chill lang sa mga aircon room sa masscomm habang naglelecture si prof san pascual. Paminsan din, pinapakinggan lang ang mga nagkukwentong kung sinu-sino tungkol sa community service. Basta. That light.
And here comes CWTS 2. Sa kursong ito natanto ko ang kahalagahan ng tubig sa pang-araw-araw na life. Nakakauhaw, sobrang haggard and magastos ang CWTS 2 aka field work. Survey ang trip ng subject na ito. Pumunta kami sa isang lugar (Brgy. Kaligayahan), tinanong ang mga kids kung naglalakad sila papuntang eskwela, kung marunong na silang tumawid mag-isa at kung nasagasaan na ba sila ng tren, lumalakad na tao o ng bisikleta. Basta ganun. Nakakapraning.
Pero natapos na namin sa wakas. At ang masayang part dun, naka-meet kami ng isang fun na kid sa katauhan ni Christian Dale. Mahusay kumanta ang bata. In fact, sumali siya sa PopStar Kids. Wala lang. Sharing lang. Basta. Fun sya. Makwento.
***
Roommates ko sina Kral, Eli at Tristamb for summer. Sobrang riot sa room dahil sa kalat. Magsama-sama ka ba naman ng apat na guys sa isang room? What do you expect?
***
Sobrang nakatext ko si Mykel last week. Medyo krisis ang buhay nia ngayon. Syempre pa, dinamayan ko siya. What are prends are for? Basta, maaayos din yan tsong (sana…)
***
Mahal ko na si Kim ng PBB teen. Haha. Supah naturally adorable niya. At kim ang pangalan na. Couldnt get any better.
***
Fiesta sa amin kahapon. Puro family frends ang dumalo. Sharing lang.
***
Napanood ko na ang award winning na film na "Kramer vs Kramer". Naiyak yung kapatid ko. Maganda kasi. Pramis. Will make you value your family. Take note: hindi siya action film.
***
Mahirap din pala mabuhay sa Yakal. Find ur own food ang sistema. Nakakapanghirap.
***
aYun. Natuwa naman ako na nakapagpost ako ulit. Til next time y’all. (Sana hindi na abutin ng ilang buwan ang next time.)