BIG Winner ako!
Sunday, April 9th, 2006Naku. Mahigit isang linggo na pala ang nakaraan nang ma-evict ako sa bahay ni Ma’am Tirona– ang Kalay (Oo, evict kasi labag sa loob ko. At oo house council, kalaY. Hindi ko bet ang konsepto ng "kalai". kulang sa creative juices.) Coincidentally, kasabay ng pag-exit ko sa dorm ang BIG night ng PBB- Celeb Edition kung saan naging Big Winner ang bet kong si Keanna (maipagpag ko lang). Katulad niya, feeling ko big winner na rin ako paglabas ko sa dorm (kahit na nga ba walang isang milyon at condo unit. hehe) dahil sa maraming bagay na natutunan ko sa loob nito, some of which are listed below:
- Maaari ka palang makapagluto ng pansit canton nang hindi mo na ito pinapakuluan. Kailangan mo lang itong ibabad sa mainit na tubig at maluluto na ang pansit canton nang walang kahirap-hirap. Huwag nga lamang magfreak out kung masyado itong mainit dahil baka masunog ang inyong mukha tulad ng lalaking may dalang payong. (Hi kay Glim at Mother. Nangayayat talaga ako sa eksena ninyong iyon. One of my happiest moments in the dorm. Bakla, aparisyon muli ito para sa iyo sa aking blog.)
- Maaari ka palang makapasok sa iyong klase kahit na hindi ka pa nakakaligo, basta nakapagsipilyo ka at binasa mo ang iyong buhok. Magagawa mo ito lalo na kung nagising ka limang minuto bago ang iyong klase. Maligo na rin sa pabango para hindi talaga pansin na hindi ka naligo. (Syet, napaghahalata ang gawain. Uhmm. Naliligo naman ako, noh?)
- Makakapasok ka pala sa isang singing contest kung kamukha ng crush mo ang judge. Syempre pa, inspired. Banatan mo sila ng isang Craig David song at sigurado na ang tagumpay mo.
- Mauuno mo pala lahat ng GE mo kung magpapaka-acad mode ka once in a while. Nakooh. Ang angas.
- Yayaman ka pala sa pamamagitan lamang ng pagsali sa mga quiz bee. Whahaha. Pramis. Nakabili ako ng maraming bagay dahil dyan.
- Nangyayari pala ang Brokeback Mountain at Tomboyesan sa totoong buhay. Isa palang reyalidad ang homosekswalidad sa mundong ito. (Moment of Silence para kina Emperatris, Little Ms. Philippines Ms. Unfit Socorro Facifica Falayfay y Fofonggay <dinagdagan ko. Cute naman, di ba?>, Tasha, Shirley, Melody, Bernadette, Eli <Joking!>, RA <Half Joking!>, Bestfrend <not joking at all> at sa mga Absolutely Ilang Awardees. Join UP Babaylan!)
- Nakakaadik pala ang kape at ang donuts. Lov’em both!
- Makakatagpo ka pala ng mga tunay na kaibigan sa mga taong sadyang hindi mo inaasahan. Dodz, Andrew, Mother, Tristam, Harold, Eli, Tim at Lennen, maraming salamat. (May ganun!? Cheka!)
Ilan lang yan sa mga natutunan ko sa loob ng Kalay. Dahil sa lahat ng iyan, lalo na ang huli, feeling ko talaga BIG Winner ako. Salamat sa inyong lahat mga floormates. Award kayong lahat.