Malapit nang matapos…
Less than one week na lang, matatapos na ang sem. Or the academic year, that is. Marami itong implikasyon sa akin bilang estudyante, at yung mas nakakalungkot, bilang isang dormer. Pero don’t worry, my readers. Hindi pa ito and dramatic dorm send-off blog entry ko. Tsaka na yun. Wag tayo agit.
…
Parang ito na yung denouement /bret’s version: de-now-ment (:/ ng freshman chapter ng buhay ko. Although concluding stages na ito, exciting pa rin. At nakakapraning.
…
Yung acad part muna. Kelangan naming magconduct ng interview sa isang pamilyang namatayan sa Ultra Tragedy para sa Journ100 ko. Sadly, up to now, wala pa kaming interviewee. Couldn’t get any worse than this. Sa Monday na submission ng paper. Syet.
…
Isa pang kasyet-syet ay ang aking SocSci1. Hindi na naman pumasok ang prof ko. Putsa. Nasasayangan ako sa tuition kong binayad para sa subject na yun. Sana ipinambili ko na lang yun ng sandamakmak na cheese turon, donut, swiss miss milk choco o ng greatest hits CD ng rivermaya. Sayang talaga.
…
Keri lang naman yung iba kong subject. Finals ko sa Chem sa 31, sa English sa 27 at sa PE bukas. Haha. Nakakapangloko lang yung finals namin sa weight training. Objective ba naman. Kala ko magbubuhat na kami ng kalabaw o kaya giraffe. Haha. Exag.
…
Mamimiss ko ang mga profs ko, lalo na si Mam Lorie at si Sir Naval. Sa inyo po, maraming salamat.
…
So yung nakakapraning na part naman. Ang dami kayang rebelasyon na nagaganap ngayon sa paligid. Dark secrets, that is. May mga ukol sa Kataas-taasang Emperatris, mayroon din sa mga kabrokebackan sa environment. Syet. Ang pangit imaginin.
…
Maipagpag ko lang: Nakikinig ako ngayon ng mga songs from Moulin Rouge! Syet lang sa kagandahan. Napanood ko na rin yung “Crash” na Oscar best picture for this year. Ibigay natin sa tubero ang award. Panalo talaga. Maganda.
…
Malapit na rin ang Saber 2k6 (Pampamparapapampampam). Very Shake, Rattle and Roll, noh? Haha. Finafinalize na lang namin ni mother ang mga awards and nominees. May brocoy-brocoy award, meron ding best in handwriting, absolutely yakal, absolutely ilang, absolutely everybody, and the rest of the gang.
…
Ilan pang pagpapagpag: Bet kong manalo sa Amazing Race ang hippie power nina BJ at Tyler; sa Survivor naman, si Aras, dahil sa maganda niyang pangalan; at sa PBBCE, sa Keanna. Wala lang. Para naman hindi na siya mag-escort ulit. Go!
…
Umaasa pa ako sa mas matitinding rebelasyon sa mga susunod na araw. Syet. Malapit nang matapos. Matatapos na.