100 secOnds…

Binibigyan ko ang sarili ko ng 100 seconds para i-update ang blog ko dahil magcucurfew na sa kalai at ito’y nagsisimula ngayon:

Debut kahapon ni meg. Lupet ng pang-uusig/pandadaot ko sa lahat bilang isang host. Haha. Wala akong pinatawad. Kahit mga tanders jinoke taym ko. Grabeh na rin ang hosting career ko. Umuunlad. Sabi nga ni mykel, puede ko itong pagkakitaan. Magpapabayad na ako next taym. Wahaha.

awArd yung crepe sa debut kahit maasim yung mangga sa loob. panalo talaga. delicioso.

kanina ko lang napanood ang moulin rouge! courtesy of dodz. Panalo. dIREK bAHz luhrmann, you really blow me away with your creativity!

acad mode ako this week. Pramis.

It was nice seeing my high school frends ulet sa debut. Special mention si robin at kikay dahil matagal ko na talaga silang hindi naispatan.

Bet kong manominate sina roxie at aleck sa PBB Celeb edition mamaya. Si roxie kasi, iyak lang ng iyak. si aleck, walang rele. Sheyring lang.

Bitin ang live a.i.d.s. 22. Pero may mga award talagang scenes lalo na yung kay jorvalyn virray. Haha. Wala ka pa talagang nararating. Award din si kuya rex sa adik na ate guy niyang performance. Bagong bayani….

Go ken! Upstaging ka talaga. Hats off. Ang galing. Performance level.

Time’s up. Bye!

Leave a Reply