Archive for March, 2006

Ooh… That’s hot! (or not?)

Saturday, March 18th, 2006

Very Paris Hilton ng heading ko. Haha. Very Kral din yung "or not" na part. Summer na kasi kaya let’s talk about what’s hot and what’s not (in my life, that is.)

HOT: Tapos na ang klase ko sa PE. Yey! At parang natutulog lang din yung exam. Feeling ko mataas grade ko sa PE ngayong sem. (Nagfifeeling lang.)

HOT: Hindi ko na kailangang magpatiwakal the next few days dahil matagumpay kong nakahanap ng interviewee sa journ100 wowowee paper ko. Although potentially traumatic ang pagpunta sa supahdupah liblib na lugar na tinitirhan ng aking ininterview, keri lang. At tapos ko na rin yung paper. Couldn’t get any better than this.

HOT: Election night na for Saber 2k6 mamyang gabi. Sino kaya ang papatok sa mga Jedi (and Sith) later? Abangan.

HOT: May Pansol summer send-off daw kami sa floor. Syet. Kelangan ko nang bawas bawasan ang pagkain. Pangit naman maghubad with a big stomach. Sa bagay, mauupstage pa rin ako nung tiyan ni Aboi kahit kumain ako ng marami. Haha. Hi kay Aboi!

VERY HOT: Syet. May prospect na akong mahalin. Ang umasang magmahal muli, ang siyang magagawa…

HOT: Sarap ng breakfast kanina. Disenteng corned beef omelet. Delicioso! (Thanks mom!)

NOT: May kinaiinisan lang akong isang classmate. Hindi naman kasi perpekto, grabe makapandaot. Hoy! Hindi ka perpekto. Wag ka ganyan. Hindi ka na nakakatuwa. Papabugbog na kita sa asong may batuta. (Clue: Tao… or not? Haha)

NOT: Sobrang init lang outdoors lately. Malaki na yata ng butas ng ozone layer. Frends, tigilan na natin ang paggamit ng mga produktong nagtataglay ng CFCs. (A public safety reminder brought to you by Dreo… Haha)

NOT: Absent na naman ang SocSci1 prof ko last meeting. Sayang talaga binayad ko sa tuition for that subject.

NOT SO HOT, NOT SO NOT (huh?): May mga tumatawag na sa aking "flat one guy" pagkatapos ng formal dinner kabilang ang barkada nung girl na naka-Sakura costume nung wacky day (forgot her name). Girls, I have a name. It’s D-R-E-O.

EWAN KUNG HOT OR NOT: Pre-enlistment period na uli bukas. Magpapamisa na ako para swertihin ako sa CRS. Magsa-summer ako ng CWTS. Pero gusto ko rin matutong magdrive. Sharing lang.

Ayun. Kinailangan ko pa ang brilyante ng fire para maisulat yan ha. Pinahiram sa akin ni Eli aka Ashti Firena. Yun lang. Happy summer y’all! 

Malapit nang matapos…

Thursday, March 16th, 2006

Less than one week na lang, matatapos na ang sem. Or the academic year, that is. Marami itong implikasyon sa akin bilang estudyante, at yung mas nakakalungkot, bilang isang dormer. Pero don’t worry, my readers. Hindi pa ito and dramatic dorm send-off blog entry ko. Tsaka na yun. Wag tayo agit.

Parang ito na yung denouement /bret’s version: de-now-ment (:/ ng freshman chapter ng buhay ko. Although concluding stages na ito, exciting pa rin. At nakakapraning.

Yung acad part muna. Kelangan naming magconduct ng interview sa isang pamilyang namatayan sa Ultra Tragedy para sa Journ100 ko. Sadly, up to now, wala pa kaming interviewee. Couldn’t get any worse than this. Sa Monday na submission ng paper. Syet.

Isa pang kasyet-syet ay ang aking SocSci1. Hindi na naman pumasok ang prof ko. Putsa. Nasasayangan ako sa tuition kong binayad para sa subject na yun. Sana ipinambili ko na lang yun ng sandamakmak na cheese turon, donut, swiss miss milk choco o ng greatest hits CD ng rivermaya. Sayang talaga.

Keri lang naman yung iba kong subject. Finals ko sa Chem sa 31, sa English sa 27 at sa PE bukas. Haha. Nakakapangloko lang yung finals namin sa weight training. Objective ba naman. Kala ko magbubuhat na kami ng kalabaw o kaya giraffe. Haha. Exag.

Mamimiss ko ang mga profs ko, lalo na si Mam Lorie at si Sir Naval. Sa inyo po, maraming salamat.

So yung nakakapraning na part naman. Ang dami kayang rebelasyon na nagaganap ngayon sa paligid. Dark secrets, that is. May mga ukol sa Kataas-taasang Emperatris, mayroon din sa mga kabrokebackan sa environment. Syet. Ang pangit imaginin.

Maipagpag ko lang: Nakikinig ako ngayon ng mga songs from Moulin Rouge! Syet lang sa kagandahan. Napanood ko na rin yung “Crash” na Oscar best picture for this year. Ibigay natin sa tubero ang award. Panalo talaga. Maganda.      

Malapit na rin ang Saber 2k6 (Pampamparapapampampam). Very Shake, Rattle and Roll, noh? Haha. Finafinalize na lang namin ni mother ang mga awards and nominees. May brocoy-brocoy award, meron ding best in handwriting, absolutely yakal, absolutely ilang, absolutely everybody, and the rest of the gang.

Ilan pang pagpapagpag: Bet kong manalo sa Amazing Race ang hippie power nina BJ at Tyler; sa Survivor naman, si Aras, dahil sa maganda niyang pangalan; at sa PBBCE, sa Keanna. Wala lang. Para naman hindi na siya mag-escort ulit. Go!

Umaasa pa ako sa mas matitinding rebelasyon sa mga susunod na araw. Syet. Malapit nang matapos. Matatapos na.

100 secOnds…

Sunday, March 5th, 2006

Binibigyan ko ang sarili ko ng 100 seconds para i-update ang blog ko dahil magcucurfew na sa kalai at ito’y nagsisimula ngayon:

Debut kahapon ni meg. Lupet ng pang-uusig/pandadaot ko sa lahat bilang isang host. Haha. Wala akong pinatawad. Kahit mga tanders jinoke taym ko. Grabeh na rin ang hosting career ko. Umuunlad. Sabi nga ni mykel, puede ko itong pagkakitaan. Magpapabayad na ako next taym. Wahaha.

awArd yung crepe sa debut kahit maasim yung mangga sa loob. panalo talaga. delicioso.

kanina ko lang napanood ang moulin rouge! courtesy of dodz. Panalo. dIREK bAHz luhrmann, you really blow me away with your creativity!

acad mode ako this week. Pramis.

It was nice seeing my high school frends ulet sa debut. Special mention si robin at kikay dahil matagal ko na talaga silang hindi naispatan.

Bet kong manominate sina roxie at aleck sa PBB Celeb edition mamaya. Si roxie kasi, iyak lang ng iyak. si aleck, walang rele. Sheyring lang.

Bitin ang live a.i.d.s. 22. Pero may mga award talagang scenes lalo na yung kay jorvalyn virray. Haha. Wala ka pa talagang nararating. Award din si kuya rex sa adik na ate guy niyang performance. Bagong bayani….

Go ken! Upstaging ka talaga. Hats off. Ang galing. Performance level.

Time’s up. Bye!