Win Some, Lose Some

Yan ang motto in life ko for today. Narealize ko lang na balanse talaga ang buhay. Parang balanced chemical equation. Wala lang. Sharing lang.

WIN: Biggest achievement ko for this week ang pagkapasok ng hindi inaasahan at hindi hinahangad sa isang singing contest sa dorm. Kumusta naman, di ba? Grabe na yung career ko sa singing. Nagdadalaga. (Blossoming in english. Parang yung "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" na kapag iningles ay "The Blossoming of Maximo Oliveros. Yuck. Ang korni. Ispiritu ni lennen, lumayo ka sa katawan ko. Haha).

In fairness ha, hindi ko talaga inexpect ito. Sabi nga sa akin ni Jiselle (hi Ji!) nung magkasalubong kami once e, "Ikaw ha. Hindi ko alam magaling ka pa lang kumanta." Sagot ko dun: "Hindi ko rin alam e." Haha. Naku. Sobra na ito. Ego tripping na. Tama na.

minor wins: ang magandang kinahinatnan ng eng1 essay ko, ang nayong pilipino trip namin nila mother at kenneth, ang pagkabuo ko sa salitang "cabarets" sa bookworm, at ang masaya ngunit short-lived na pinoy henyo game sa kwarto ni dodz karl.

LOSE: Nalulungkot ako ngayon dahil na-late ako sa acad day sa school dahil naghanap ako ng tape na kakantahin for the contest. Nakakalungkot talaga kasi kinansel din nang maglaon. Hindi ko tuloy nakita si rona (grabe. feeling ko maiiyak na ako sa part pa lang na ito). Hindi ko nakaharutan si ramon. Hindi ko nakabonding si michaelolz. higit sa lahat, hindi nakita ng madlang people ang bagong hairstyle ko at ang macho shirt ko. grabe na. this is so sadness. bwiset kasi. dapat nainform na ako ng maaga na postponed. paksyet.

isang matinding setback din ang hindi pagpayag ni mam tirowna sa charity work kyeme namin sa open haus. upstaging at touching sana ito. o well. ganyan talaga ang life. balang araw magiging dorm manager din ako. haha.

minor loses: hindi ako nakapanood ng isang episode ng pbb dahil sa rasong hindi matanggap ni dodz (malakas na talaga ang dark side), naubusan ako ng buko pie sa bahay (nalungkot talaga ako sa instance na ito. pramis), hindi ko maabot ang awiting "ordinary people" na maganda sanang contest piece, at higit sa lahat, inatake ako ng uber sa tinding ubo sa kalagitnaan ng socsci2 lesson. syet. nakakahiya.

SPEYSYAL MENSYON NA WIN: Hoy clio. Salamat sa cute na pink and yellow fish ka ba na bigay mo. isa ka talagang diyos. haha.

hay. buhay talaga. you win some. you lose some.

 

One Response to “Win Some, Lose Some”

  1. Benjamin Kral Says:

    wakokokokokoko napadaan lang ako

Leave a Reply