Archive for January, 2006

Geez.. I can sing!

Tuesday, January 31st, 2006

grabe nah. it just occured to me na sadyang nahahanay na ako sa larangan ng pag-awit lately. grabe nah talaga.

una sa lahat, na-experience ko nang magrecording for the very first time. una, yung "ill be" which i sang really mababa dahil hindi ko gusto yung song personally and i think i cant reach the high notes. tapos napagtripan ako ng ilan sa mga freakin kong floor mates na maging vocalist sa isang bagong bandang pinangalanang "cereal number" dahil cereal ang ginagawa naming percussion instrument. nang maglaon, kinareer ko na rin. i recorded two tracks na flop nung simula pero umayos naman eventually. yuon ay ang "liwanag ng dilim" at "brocoy sonnet". grabe na. as in ikinamatay ko yung brocoy sonnet. super taas. putol lahat ng veins ko sa larynx.

at lately lang, nagkaroon ako ng isang impromptu singing performance sa debut ng aking frend na si  paula fidez. iba na yung levelling nun. tipong hindi handa at hindi ko pa nga kilala yung gitarista, sinalang na ako. crazy for you ang awitin kong inialay kay fidez. personally, nagustuhan ko naman yung performance. punong puno ng emosyon kasi. lakas talaga sa akin ni paula. haha.

but wait. there’s moh. may performance chuva and eklavu daw ang cereal number sa nalalapit na UP fair. paksyet. hindi ko na yata keri yun. with the huge crowd and all. baka may mambato na lang sa akin dun ng bote ng coke at ikamatay ko. grabe na. gusto ko pang mabuhay. *pessimist*

nakuh. challenge ito. pero ok lang. im master of none no more. naks!

Kezon Memoryal Sirkel Kyeme

Friday, January 27th, 2006

Sabado ngayon. Walang pasok kaya natripan namin (ako, lennen, malik, kral, 3stan, clark at harold) na magliwaliw sa Quezon Memorial Sirkel. Panalo talaga yung konsepto. Though kinailangan naming gumising ng maaga on a cold, gloomy weekend, naging worth it naman ang lahat.

pero bago ang escapade sa QMC, sharing muna ng pagkain namin ng pancake sa jollibee philcoa. paksyet. ang sarap talaga ng P-A-N-C-A-K-E!!! panalo. sobrang delicioso talaga. at may butter pati strawberry syrup na medyo lasang tempra pero award pa rin. naku. naglalaway na tuloy ako. pramis. masarap. try niyo. mura lang. go.

so going back, hindi naging madali para sa amin ang pumunta sa sirkel. isang malaking banta sa aming buhay ang pagtawid papunta dito. kinailangan naming makipagpatintero sa mga rumaragasang sasakyan. pero salamat kay manong MMDA na naka-yellow, nakatawid naman kami ng matiwasay at makakagradweyt pa naman ako sa college ng hindi nabubundol ng taxi.

pagdating namin sa sirkel, tinahak namin ang daan papunta sa tower kyeme na nasa gitna nito. panalo ang arkitektura lalo na ang mga wings ng mga hindi kagandahang anghel na naka-dangle sa gilid nito. habang naglalakad kami sa paligid ng tower kyeme, nadaanan namin ang ernie baron garden thingy at nag-alay ng moment of silence alang-alang sa yumaong institusyon ng weather forecasting. napansin din naming kami lang ang naglalakad nang pa-clockwise sa paligid nito, kaya nagpicture picture na lamang kami sa mga uber exhilirating na hagdanan.

nagpunta rin kami sa pishmen bell na hindi naman tumutunog at sa united nations garden na wala rin namang mga flags. nakakita rin kami ng mga tanders na sumasayaw ng footlose at pbb theme along d way. inexplore din namin ang fitness trail kung saan lumutang ang pagkaloser ko sa pagtawid sa balance beam. loser talaga.

naglaro rin kami sa napoleon abueva-made na playground at nagpicture picture some more. nang mapagod ay nagrelax sa playground na sadyang pambata lang. ikinamatay ko ang spelling ng rafelling sa isang sign board sa daan. tinahak din namin ang viny thingy path ni charito planas (whoever she is). napaka-omnipresent ng babaeng ito dahil sa kahit saan mang sulok ng sirkel ay nagkalat ang pangalan niya. nagfifeeling tao.

nagpunta talaga kami dun para magbike kaya dapat lang na magbike kami. medyo exhorbitant ang presyo ng mga bike kaya chipping in sa expenses ang naganap. bumuhos ang ulan pero kebs lang si kevs. syempre, nagbike din ako at nagfeeling lovers in paris habang nagbibisikleta. panalo talaga ang pagbibike na ito, except sa ilang instances na may mga slow-moving tanders na naglalakad sa bicycle track na nakakaawa namang sagasaan kaya dapat magslow down. haha.

pagkatapos nun ay naglakad ulit kami papuntang philcoa at sumakay na ng dyip. napakasaya ng eksperyensang ito. try nio rin. masaya. pramis. kain din kayo ng pancake para award talaga. go na. ngayon na. ang kapal ng mukha mo (favorite expression for this week).

un lang. sharing lang.

dreo goes to hale

Wednesday, January 18th, 2006

it’s been 4 days since i catched the hale concert in our town, but i just can’t get enough of this band.

i and my high school friend, rona, went to the venue without tickets. that’s how prepared we were. we just got caught up by our excitement that we failed to purchase some tickets early on. luckily, we got two P300 tickets. this is it!

the venue was hot and not very well ventilated. front acts were boring and redundant. the mediocrity of the dance numbers were overly obvious. rival school boys who do not have any looks and their female counterparts who were just as boring as they are performed. silly front acts. wanted to upstage them.

we were becoming agitated in our seats when a girl with a digicam came in screaming. she showed a picture of herself and champ in the backstage. she looked like champ’s maid in the picture. hehe. she just made rona be green with envy. oh well. me too. wanted to slay her for showing that picture off.

another band performs. nothing interesting about them except for the fact that their guitarists go down stage and stage a silly guitar exhibition. we wanted hale badly.

lights were turned off. darkness everywhere. i saw silhouettes rushing from the backstage door. god. was i excited? lights turned on. omni, sheldon and roll appears on stage. champ is missing. his manager who looked like a jamaican appeared on stage instead. funny scene.

champ pops out from behind. everybody screams. they sing ‘take no’. i sing along. one of the happiest moments of my hale life.

they go on singing various songs from their album. an idea occurred to me to gatecrash the P1000 spot. gatecrashing a success. proceeded right infront of the stage. boy. im a hale fan.

almost died when the band played ‘fix you’ by coldplay. waaaah. one of the nicest song renditions on earth. made me melt.

hale sings their last song ‘kahit pa’. savored the last few seconds. rocked the house down. when the band left, rona told me she wanted to go backstage. people in a turmoil. access denied by the guards. how dare them.

we decided to go home. fortunately, we caught the band’s car going out of the venue. photo op. haha. ang saya. tinted car window was a hindrance. never mind.

went home with a huge smile. i love hale. i wanna see hale again. im a huge hale fan.

Thursday, January 12th, 2006

Img_8065_2 Ang daming na-reveal sa akin kahapon.

First, na may talent pala ang floor namin. Na kapag natulung-tulong kami, may maaccomplish na award talaga. Sobrang proud ako sa turn-out nung corridor feature namin. Effort kasi talaga yun e. Tinangkilik siya ng tao. Uhmm. Hindi lang pala tinangkilik. Dinumog. Haha. Nakakapang-upstage naman kasi talaga e. Background pa lang, panalo na. Fluffy ang effect nito. At may mga hilarious photos and statements pa namin. San ka pa? Naging super saya kasi, hindi ko inexpect na ganun kalalabasan. Panalong panalo yung konsepto.

Pangalawa, na magagaling pala ang mga BA. haHa. Dugo’t pawis ang literal naming iginugol para sa bulletin board. Take note, BA kaming tatlo (me, Kral and Lennen) na umasikaso nun. Astig talaga ang mga BA. Go BA Power. Wala lang. Sharing lang.

Ikatlo, na may mga taong hindi mo inaasahang pinapahalagahan ka pala. Patunay diyan si Lennen. Grabe na talaga yung ranking ko sa list niya. Hindi ko kinaya. Kasi hindi ko na naman inexpect. Isa pa rito si Kral. Lately lang kami naging close pero grabe na rin yung ratings na ibinigay niya. I was expecting na I am in the top 7 and below pero shocking talaga. Hindi ko lubusang ma-fathom. Kaya sa inyo mga dod, maraming salamat. *apir* (pati na rin pala kay clarkevs at kay mother)

Ikaapat, na iba talagang maging isang Jedi. Papahalagahan mo ang bawat tao (uhmm.. except for some.. especially those na hindi mo talaga ka-meet ang wavelength.. haha.. go backstabbers!), sasaya ka sa bawat sandali (flop man o hindi), at higit sa lahat, ituturing mong kayamanan ang bawat pagkakaibigan. Kaya sa lahat ng floormates ko (yan ha.. lahat na..), astig tayong lahat.

Trained. Tested. Tired.

Friday, January 6th, 2006

Leche. This has been one of the toughest weeks in college I ever experienced. Ang hirap. Nakakapagod. Nakakahaggard.

TRAINED:

Ang saklap kasi ng konsepto ng January 2 pa lang ay may pasok na. Bwiset kasi. Hindi mo pa nga lubusang nadidigest yung mga food stuffs na kinain mo nung Media Noche e sasabak ka na naman sa mga ka-intelektwalang bagay. I only got 2 hours of sleep during the first day of classes for this year kasi I had to attend a Journ class. Medyo wasted pa ako sa class. Ang bad trip pa nito, hindi umattend yung prof. Sayang ung oras na ipinasok ko na dapat ay itinulog ko na lang.

Ang dami ring preparasyon para sa pasalubong pest. Pest talaga kasi isa itong supahdupah malaking stress. Overall regional head kasi ako kaya ayun. Nakakapagod talaga. Pero naging award naman ang event. Tsaka ko na ikukwento. Nakakatamad e.

Pasakit talaga na pilitin mo ang utak mo na mag-aral pero hindi pa ito handa. Pero edukasyon yan e. Bayang Pilipinas ang nagpapaaral sa akin so I have to be trained. Hay. Iskolar ng Bayan. (Kamusta ang ganitong blog? Napaka-patriotic. Baka one of this days, barilin na lang ako sa luneta.)

Ispiking of training, medyo bugbog din ako sa weight training class ko. Hay. Pinagsquats kami ng 40 times habang may 35 kgs barbel sa likod. Grabe. Ngayon tuloy, lumpu-lumpuhan ang effect ng paglalakad ko. Overly masakit talaga sa thighs. You’re hurting na nga physically, you’re hurting pa mentally. Wala lang. Sharing lang.

TESTED:

Ang dami pang exams na bumomba sa akin ngayon. Imagine, exams sa unang linggo ng klase. At take note, katatapos lang ng Xmas break. Minsan talaga kontra-bulate ang mga profs e. Pero award naman yung iba na hindi agad-agad nagpa-exam tulad ni prof naval at prof santos. Binigyan kami ng palugit.

Ikinamatay ko na yung Chem exam. As in huhulaan mo ang shape ng isang molecule. Sa isip isip ko lang, e ano bang pakialam ko kung anong shape ng mga molecules na yan? As if bubuti ang buhay ko at mananalo ako ng isang milyon kung alam ko. At Journ major ako kaya what’s the relation talaga? Hindi ko namang sasabihing tetrahedral ang molecules ng dugong dumadanak sa dibdib ng biktima ng isang pagpaslang na irereport ko balang araw. Hay. But you have to live with it.

Sa socsci dos naman, keri lang. Medyo kinaya naman yung test, salamat sa lipovitan na kinailangan kong inumin nung araw na iyon dahil feeling ko anytime e bubulagta na lang ako sa sahig sa sobrang pagod. Naghikahos talaga ako sa pagrereview nun. Pero unlike sa chem, maiaapply mo naman sa pangaraw-araw na life mo yung mga sinasabi ni Plato at Socrates kaya go lang kahit nakakasabog ng utak.

Pinakapanalo yung eng1 exam. Sa pakiwari ko nga e naperfect ko yun. Wahaha. Ang angas!

TIRED:

Hay, pagkatapos ko itype ang blog na ito, gusto kong uminom ng kape at kumain ng donuts, umuwi sa amin, matulog sa FX at ipagpatuloy pa ang pagtulog sa bahay. Im all stressed out talaga. I better get some sleep…