Archive for December, 2005

On beginnings and endings

Saturday, December 31st, 2005

End.

Geez. It’s about 6 hours to go before 2005 ends. HaAy… Grabe na ang taong lumipas.

Drastic ang mga changes na aking pinagdaanan. From the freakin high school nerdy boy that I was, I suddenly became an independent college man-but-not-quite. Freakin’ talaga. Ang daming nabago.

For 10 years in my life, sa Holy ako pagala-gala, nakasuot ng puting polo na hindi matatapos ang araw ay mamamantsahan ko rin. Ketchup, tinta ng ballpen, milo, paint. You name it, naitapon ko na lahat yan sa polo ko. Haha. Clumsy child. Tsktsk.

Sa loob ng 10 taong yun, same faces din ng mga batch mates ko ang nakikita ko. We just shuffle sections. Minsan may nadadagdag, at times may nababawas, but kami-kami rin ang nagkita sa Finals. Hindi naglaon, sabay-sabay kaming grumadweyt at kumanta ng "Au Revoir." Paksyet. Nakakamiss.

Ngayon, college na ako. Yun ang major turning point na ibinigay sa akin ng 2005. Wala nang puting polo na pwedeng mantsahan. Wear what u want na. Bagong surroundings. Bagong school. Bagong mga tao. Mahirap mag-adopt. Sa bagay, kelan ba naman naging madali? Pero so far, kinakaya ko. At kakayanin ko pa.

Madami rin naging problema. Syempre, parte na yun ng buhay. Malaking problema kung wala kang problema. Haha. Na-pressure sa honor rolls, kinabahan dahil nag-iisang lalaking nakapasok mula sa Holy sa isang unibersidad na tadtad ng frats, nahirapan makihalubilo sa simula, nabigo sa love life. Pero ganun talaga. You learn with it. Sabi nga ni Sir Naval sa SocSci2, you never cross the same river twice. At yung mga problems na yun ang magsisilbing ammunition ko not to cross those rivers again. (Syet. Ang intelektwal ko.)

Geez. 6 na oras na lang. Kinakabahan ako somewhat. Gusto ko nang baguhin ang mga bagay na ayaw ko sa akin, dahil walang ibang makakagawa nun. Ako lang. Pero hindi madali. Sakripisyo talaga. Ang dami ko nang kinaya. Magpapatalo pa ba ako? Sa sarili ko pa? No way, tsong. Hindi ako loser.

Bye bye 2005 na. Pero hello 2006 din. Tama nga ung author ng binabasa kong libro ngayon. All endings are also beginnings. I’ll take advantage of this beginning. Go Dreo! kAya mo yan. Hehe. (I-cheer ba ang sarili?)

Begin. I’m ready.

My ChrisTmas misS list

Saturday, December 24th, 2005

This Christmas, I miss…

… Rona and her unique way of making me laugh. HaAay. Kapag halos mababaliw na ako dahil sa mga problema, I go to this girl para lalo akong mabaliw sa katatawa. I definitely miss the moments na nagka-cut kami ng classes habang nagpapanggap na gumagawa ng COL responsibilities, gayundin ang mga moments na nagpapaikot kami ng mga tao sa aming mga kamay. Pero di bale, manonood kami nito ng concert ng hale sa 14. wOOhoo!

… GraCey and our walang humpay na kwentuhan at hulaan ng lyrics. Siya yung taong kasundo ko sa mga trip kaya masaya ang mga kwentuhan sessions. At pareho kaming isip bata at mahilig mangolekta ng bloopers ng ibang tao. HaaaY. Super miss ko na yung mga kwentuhan and tawanan moments namin.

… my all-time bEst friend, keviN. Namimiss ko nang maging nerdy and luko-luko. Yung mga tamang trip namin sa service ni ka obet with jaque. Pati yung mga adventures namin sa may bahay nila sa Alido. Naku. i alWays say na sa tingin ko, life would have been a lot easier for me kung nandito si kevin. Lalo na sa math. Haha.

… my love (haha), Jeri. Isa pa ‘to. I totally miss this girl. Yung lunch and staircase kalokohan namin. yung kaburaraan naming dalawa. Haha. Pero higit sa lahat, I miss her loud laugh and cute "braised" smile. WaaAh.

… PauLa, my paRtner sa kakulitan. Another person whose smile, I miss. Superduper cute ng dimples niya kapag ngumingiti siya. Namimiss ko na rin yung mga kwentuhan namin na parang walang bukas, yung mga away namin na nareresolba ng dahil sa pansit, at higit sa lahat, yung pangungulit niya sa akin kung sino ang crush ko. Hehe.

… my bro Michael at ang mga kwentuhan naming parang hindi pa kilala ang gabi. Haha. Oo nga’t nagkikita kami, pero namimiss ko na talaga ng sobra yung mga usapan naming "no-holds-barred" sa tabi ng stand ni Fred. yung open talaga. Feeling ko kasi siya lang yung taong pinagkakatiwalaan ko na makikinig sa akin sa mga ganung instances. Feeling ko tuloy ang bigat ng loob ko dahil wala na akong napagsasabihan. At wala na ring nanlilibre sa akin ng frosty. Haha.

… at syempre, si Kim. aNg taong nagpasaya sa akin. Too bad I wasn’t brave enough to do what I must have done. HaAy. I’ll definitely miss her.

IBa Talaga kapag PasKo. Sa lamig ng panahon, ang sarap mag-isip isip. Tamang sEnti tuloy ako ngayon. Ang pangit. Hindi bagay sa akin at sa maloko kong imagE. Pero totoo lahat ng ito. Christmas could be happier if ill get to spend it with this people. HaAy.

PaSkong PeyuPs

Thursday, December 15th, 2005

I had such a freakin’ jolly pre-Christmas celebration thingy with my floor mates yesterday. Iba talaga sa Peyups. You get to enjoy things you do not normally do before, experience new stuffs you never thought you would do so, at syempre, meet a bunch of cool peeps who share the jolly happenings with you. Iba ‘yung feeling. Astig!

SEM ENDER PARTY:

Last, last night, we had this year-ender party thing in the dorm. I was all pumped up to party during the early part of the night, but my energy was dampened due to the FREAKIN’ LOSER na sounds. As in freakin’ loser talaga. Puro techno kasi yung music, pirated yung CD, and their songs were repetitive. Bwiset. Kung may baril lang talaga ako, patay na yung DJ that night. Haha.

Fast forward to the next day, I woke up at about 11 am. I slept at about 3 in the morning na kasi the previous night because I had some bonding sessions with Kral when I got back from the party-wanna-be event. Hay naku. Mas nasiyahan pa akong mang-backstab at makipag-kwentuhan tungkol sa mga high school highlights and weird dreams with Kral kesa sumayaw sa loser na party. Pramis .

OBLE RUN AND BOOTH HOPPING:

So ayun na nga. At about 12, I watched the Oblation Run. Sa totoo lang, hindi naman enjoy manood e. Nakaka-disappoint pa nga. As if one will find joy in seeing naked men running around a building with masks on and some having sagging, big pot bellies. Hay naku. Wala talagang nakakaaliw. I don’t see the point why people storm our university sa event na yun. O well. It’s not every day nga naman that you see those stuff. Sige na nga. Publicity din yun for UP. Hehe.

After that, naghasik naman kami ng lagim sa mga booths sa Acad Oval. Super saya. We tried the scientific stuffs sa NISMED booth (I particularly enjoyed the freak show # 3, ang gyroscope). Nagkape rin kami sa UP Visitors’ chorva booth, and nag-shoot ng MTV ng hit song na “Tanghaling Tapat.” We also stopped over the Fine Arts booth, tapos nag-ethnic dance din sa isa pa. Wala lang. Tamang trip lang. Just enjoying our freshmen days.

LANTERN PARADE AT PRANINGAN SA SUNKEN:

That evening naman, I and my astig floor mates watched the lantern parade. Sobrang aliw talaga yung iba’t ibang konsepto ng mga parol. May mga dragon, “fish ka ba?”, Ashti Perena, masskara festival at meron ding “I’m a little teapot”! San ka pa? Sa UP lang may ganyan. Fave ko yung dragon na bumubuga ng bilog na usok. Hi-tech at astig. Award talaga! Pero mas award yung fireworks display. As in makatulo-laway ito. Pang-mayaman talaga.

Nang maubusan na kami ng lakas, settle kami sa Sunken at kumain ng Bubba Shawarma (haha). Aliw kasi nun ko lang naranasang umusok ung ilong ko. Wahaha. Naramdaman ko talaga ung epekto ng sibuyas sa ilong. Tapos nag-Dr. Quack Quack kami dahil sa ibang level na boredom. Napraning ako sa pagsosolve nung Quack Quack puzzle nung ako yung taya. Kinabahan nga ako kasi may isang instance na parang nagsnap yung buto ni Nikki, tapos pinatay ko na si Clark sa pagpapaikot-ikot sa kanya. Nung masolve ko naman at nagkahabulan na, binawal kami nung mga tanod. Baka raw kasi may mga krimen nang nagaganap at nagtatakbuhan na e hindi nila mahalata. KJ. Ang loser ko that time. Pero naging maayos naman nung magdugtungang kwento kami. Saya. Pero mas enjoy yung kami na lang nila Mother at Kral. Personalan kasi at name dropping. Haha. Hindi ko nga kinakaya yung ibang bahagi ng istorya e.

So ayun na nga. Days before Christmas pa lang, smash hit na ang Pasko ko. Thanks to my ever astig na Unibersidad at syempre sa aking mga floor mates. Naku. I never expected na masaya itong Christmas na ito. I was all absorbed in the memories of my high school days na I expected this season to be boring. Pero ganun na nga ang naganap. New faces, new environment, new happenings—at happy talaga yung mga happenings na yun. Haay. You should really expect the unexpected.